Posts

Showing posts from October, 2012

Tatakboboto

Magkaugnay ang tatakbo at boboto. Pag merong tatakbo merong boboto. Pag merong boboto ciempre merong tatakbo. Pero meron ding tumatakbong  hindi ibinoboto, meron ding mga botanteng  hindi bumoboto at mga pede nang bumoto pero hindi nagpaparehisto. Sila raw iyong mga walang pakialam. Ibig sabihin botohan na naman, pede ring takbuhan na naman. Merong mga tumatakbo na bobo. Hindi sila iba sa mga  bobong t umatatakbo. Makasarili ang dahilan  sa kanilang pagtakbo. Lalabas sa TV,  mamimili ng boto, magnanakaw at mandaraya para lamang manalo. At meron ding mga bobo kung bumoto, bumoboto sa mga tumatakbong bobo. Pero paano malalaman   kung bobo ang tumatakbo, samantalang sila ay mga santo at pag-asa ang pangako. Paano masasabing bobo ang bumo boto kung naniniwala sa mga santo at pag-asa ang gusto. Malay ba natin kung sila'y  makasarili, m angangampanya sa TV, boto ay binibili, magnanakaw at mandaraya lamang  sa huli. Wala namang napaparusahan  at nahuhuli at parang lawa

Sex, Elements and X

Let me hell into your heavens not above. Let me earth, air, fire, and water in your love. Let me fill your eyes with nights now, with lights if that is what it is. I'll let you sky, I'll let you fly, while moon and sun collide. http://yield2me.com/-99566.htm  

Silang mga may pusong bato

Maawa tayo sa kanilang mga may pusong bato, sapagkat mayroon silang bakanteng dibdib, blangkong sentido, at umaapaw na igo. Para sa kanila, ang umibig at ang mag-isip ay pagkatalo, at tagumpay ang hindi pagiging makatao. Apatetik, irasyunal, suhetibo, makasarili, mahina, mayamo.  Nakakaawa silang mga may pusong bato,  sapagkat naiiwan silang nag-iisa sa mundo. Nakakaawa silang mga may pusong bato, sapagkat namamatay silang nag-iisa sa mundo. http://yield2me.com/-99566.htm  

Kay Tachi

Kung eksaktong ilang oras ka nang nariyan ay hindi ko alam. Narinig ko lamang na si Milenyo'y kagabi pa binigyan ng langit ng lisensya upang manalanta. At ikaw nga'y nariyan Tachi, suot ang 'yong jaket na kulay lupa at gatas, umaalpas mula sa gapos ng kanyang dulot na lamig, tumatakas mula sa walang habas na rigudon ng ulan. Nagmamakaawa ang mga maamong mata, umuungot, kung nakakapagsalita ka lamang. Naririnig nila ang 'yong pagtangis, subalit ika'y kanilang nahahayaan  at natiti is. Sila'y naroon  sa loob ng kanilang bahay, nakakakain, nakakapag-kape, naakahiga sa mainit na kama, samantalang ika'y nagugutom, nauulanan, nalalamigan, namamatay ng unti-unti sapagkat malulupit ang mga tao Tachi. http://yield2me.com/-99566.htm  

Paghihintay ng oras sa Formerly Mark James Hospital

Image
Parang panaginip na bigla nalang kaming nandito lahat kanina. Dala ang Dade naming dinapuan ng sabi nila'y nakamamatay na kaba. Kanina lang sa alaala namin ay matapang, malakas ang boses, at masigla. Parang 'di tinatablan ng bala, bagama't paminsan-minsa'y dinadaplisan ng rayuma. Tinamaan ng disgrasya. Sa isang iglap dinapuan ng nakamamatay na kaba. Parang habambuhay bago sumapit ang alas diyes ng umaga upang siya'y makita sa ICU 7:45 palang, parin. May kalungkutan sa kanyang mga mata kanina na muntik nang pumatak. Buti nalang may swab eng bigote at may tato sa dibdib na Baby. Kami, ang meron lamang ay pag-aalala, limang piso sa'king bulsa, mga bulateng nadisgrasya, dalawang-libong inutang pa, isang libong sahod ni Sheila, 'di magmamaliw na pagmamahal  sa kanya, at pag-asa, at pananalig na gagaling talaga si Dade. Wag lamang tuluyang matabunan ng kaba ang malagong bigote. Hanggang sabihin ng duktor na magiging maayos ang lahat, makauwi kami sa Ind

Ang Alamat ng Pico de Loro

Image
Noong unang panahon inutusan ni Kalikasan ang kanyang alagang higanteng loro na nagngangalang Marco upang hulihin ang mata ni Haring Araw. Mahiwaga at makapangyarihan ang mata ni Haring Araw sapagkat mayroon itong siyam na silahis na batong kulay dugo at kapag nakamulat ay nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Maagang lumipad si Marco sa lupa upang abangan ang pagsikat ni Haring Araw. Habang nasa himpapawid nakarinig si Marco ng isang napakagandang tinig. Malakas na ipinagaspas ni Marco ang kanyang malalapad na pakpak at mabilis na hinanap ang pinanggalingan nito. Lubos ang kanyang galak nang masumpungan ang isang dalagang malungkot na umaawit sa gitna ng batis. Ang dalaga ay nakababatang kapatid ni Mariang Makiling na nagngangalang Diwatang Leso. Labis na nahumaling si Marco sa tinig ng diwata at halos makalimutan nito ang kanyang layunin sa pagbaba sa lupa. Nang makabalik sa kanyang hinagap

Ang halimaw na si Kurukuro

Image
Nagkaroon ng malakas na pagsabog at pagyanig mula sa palasyo na lumikha ng malaking butas. Mula sa butas ay lumabas ang halimaw na si Kurukuro. 4'11 ang taas at mukhang kuto. Paurong lumakad at may nunal sa may nguso. Sa malaking boses: wawasakin ko at sasakupin ang bansang ito! At winasak ni Kurukuro ang ekonomiya ng Pinas. Pinahirapan ang mga Pinoy. Nagpasasa sa salapi at sa kapangyarihan. Mataas na singil sa tubig at kuryente. Mataas na presyo ng bilihin at langis. Mababang palitan ng piso. Piso ba 'kamo? Unti-unting nagkamalay si Juan. Maaksyon na maaksyon: hindi kita papayagang sirain ang aming bansa Kurukuro! Dinukot sa bulsa ang natitirang piso at itinaas. Swak! nitro-retro.blogspot.com Sa pamamagitan ng piso si Juan ay nagpapalit anyo at nagiging si Ultrawan. Lalong nagwala si Kurukuro. Humanda si Ultrawan, 'si

Ikaw ang psyche ko

Nilamon ng 'yong ideya ang aking buong naturalesa, kaya ako'y naparalisa at natanga nang ikaw ay makita. Siguro'y pinasok mo ang aking hyphotalamus at amygdala, kinontrol ang aking sistema at tinaggalan ng depensa. O kaya'y nasa neurons na ng aking brain cells na ikaw ay ibigin, dahil 'di ko alam kung anong ginawa mo sa'kin. Kaya naman, 'pag 'di ka nakasama'y magiging para 'kong bangkay, kakalas ako sa reyalidad at mananatiling mag-isa, 'di na babalik ang diwa at magkaka-schizophrenia.

Masayang Bubuyog

At dumating sa Indang ang higanteng bubuyog sakay ng kanyang isteyt-op-di-art na bihayb. Magbabanta siyang tumibo sa iyong isip, puso at panlasa. Babatiin ka niyang "Welkam to Masayang Bubuyog mam ser". Magbebenta siya ng nakakabusog na sarap at saya. Susulitin niya ang iyong utot, dighal at pera. Ihahain niya sa iyo ang manok ng saya, masayang ispageti, prays at borger, lahat ng masayang pagkain depende sa iyong order. Kapag nasa bahay ka ng bubuyog na masaya, makakalimutan mo na kuripot o mahirap ka, makakalimutan mo ang iyong mga problema. Pero paglabas mo lamang sa bahay ng bubuyog na masaya, saka mo lamang masasabing Pilipino ka, kasama ang mga Pilipinong hanggang pangarap na lamang ang pagiging masaya.

Mariang Makiling

Image
Di mo maiintindihan         kung ga'no ako nananabik sa'yo        Maranasan ang pagkabirhen mo         Sambahin ang   matayog mong suso   Maarok mula sa'yo        ang kalangitan Matikman ang    sariwa mong ulan embrace5.jpg / rizalarchive.blogspot.com Hahanapin kita      sa'n mang sulok ng kagubatan   Makikipagtalik sa madudulas at    matatarik mong          daan Habang nakakapit    ang mga limatik sa buo kong               katawan.

Cinderella

Dahon na dumudulas sa ere    ang iyong mga kamay na kidlat namang humahampas sa bola    tuwing humahalik              sa mga palad mo. Nakikipagsayaw sa grabedad    ang maton mong mga paa eheheh sa ritmo ng tibok    ng puso ko. Nagpaparupok ng aking kalsio. Mahiwaga    kung paanong mula sa bintanang ito ay nagkakasya ka sa aking mga mata.                Nakapagtataka    kung paanong ako ay nahuhumaling    sa tingin at ngiti mong para sa iba, kung paanong tangayin                ng hangin ang tinig mong di para sa akin. Hindi magandang    kumurap o mapuwing dahil baka maglaho kang                        bigla            sa aking paningin.

Pacman Punch

Mabangis na hayop na gutom na gutom      ang kanyang mga kamao pagsalang sa ruweda.         Kampyon siya sa batas ng marangal at ligal      na basagan ng katawan at bangasan ng mukha. Pambihira ang tatag ng kanyang tuhod,                 panga, dibdib, bayag at bodega.         Taglay ng kayumangging ito ang suntok                           na simbilis ng lintik, sintalas ng kuko ng agila, at simbigat ng kalabaw. Mapapatunayan ito nina Baby Face Assassin, El Terrible,      Dinamita, Dangerous David Diaz, Golden Boy,      The Hitman, The Grandmaster, Miguel Anghel Cotto,         La Tornado, Sugar Shane at Desert Storm.                                 Kung bakit humihigpit ang magkahalikang palad ng Birhen ng Guadalupe sa tuwing lumuluhod ang kanyang mga mababagsik na anak,                    umiikot ang mga bituin sa ulo ni Uncle Sam,                    bumabagsak ang tulay ng London,                    nawawalan ng Ghana ang Africa, at                    nababahag ang buntot ng mga tor

214

Mahuhulog ang mga tala sa gabi,                 Ulan                 Hamog                 Sipon.                 Sinag ng araw sa umaga Magiging palaso, Mabilis pa sa liwanag                Bubulusok Magiliw na tutusok Sa mga pusong mapula,               Maputla               Abo               Maitim               Wasak Kahit sa pusong ginto sa lupa, Bato sa tigas Manhid sa taas Bulag sa galit. Hihiwa sa kirot,               Sakit               Matinding sakit               Tampo               Galit               Matinding galit Hanggang tumagos sa kabila               At magdugo,               ng magdugo,               ng magdugo. Umagos, At maanod pati iyak Matangay ang mga latak Makapatak ang huling wala                Nang tumibok                At tumibok                ng tumibok at maghanap ng kabika upang muling mabuo http://yield2me.com/-99566.htm