Kabanata II

Intro

Ika'y ibong malaya
Sa kabilang sulok ng mundo
Tinig mo'y nanunuot sa'king mga ugat
Hanggang buto
Naalala ka ng kaluluwa,
Naaalala ka
Walang mahika o gayuma, 
Kilala kita

Ako'y makasalanang
nakagapos ang kamay
Manggagapit ng kaluluwa, 
"Ang Kamatayan"
Ang dahilan ng mga bagyo, sigalot sa kalangitan
Ang mapusok at walang puso,
Kilala mo ako

Kabanata I

Sa kabanatang ito, ika'y prinsesa ng mga K-drama
Ako nama'y tagapagligtas ng mga ligaw na kaluluwa
Alay sa'yo ang mga kanta at musika
Ikaw ang hinahon at kapayapaan 'di ba?
Ngunit ngayon lang tayo muling nagkita
Pinaglayo ng mga panahon at dekada
Nag-uusap sa galaw, isip at mga mata
Mapipigilan ko ba? 
Nararamdaman mo ba?

Tanaw kita mula sa kalawakan
Nakatanaw ka rin ba sa kalangitan?
Nagniningning kahit nasusugatan
Maaalala mo pa kaya ako?
Dahil hindi kita malilimutan

Totoo lahat ng sinabi ko...
pero wala kang kailangang gawin
Hindi ito ang kabanata natin,
Hindi dito
Magkunwari nalang tayong mga ordinaryong tao

Mananahimik nalang sa'king pwesto 
Magkukunwaring walang nararamdaman sa'yo
Hanggang maglaho ako at ang pakiramdam mo
Hanggang makalimutan mo ng tuluyan,
Ako

Kabanata II

Sa kabanatang ito, ako ay ako
Ikaw ay ikaw
At sa muling pagmulat ng mga mata
Sa pagsikat ng bagong araw
Sa unang paghakbang ng mga paa
Alam ko na kung nasan ka
Kilala ang 'yong boses at kulay ng mga mata
Nakatatak ka sa'king kaluluwa
At wala akong pakelam sa kanila
Tangina talaga
Sa'yo ako tutungo, kukuhanin kita...

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Alamat ng Asukal na Pula