Ayokong kita’y sakyan pa. Nakiangkas ako sa bumubulusok mong pagtakbo, Habang gumegewang-gewang ang mga pangarap ko. Ipinagyayabang mo sa’kin ang mga bago mong tayong pyesa, samantalang pinababayaan mong inaanay, kinakalawang, nabubulok ang iba. Itinuturo mo sa aking kabastusan ang magsalita at magsulat ng mga bagay na maselan, samantalang nakapaskil sa’yong harapan ang pinakamalaking suso sa bayan. Hindi ko lubos maisip kung paano mo pinaghihiwalay ang sining at kabastusan. Pinipilit mong makipagsabayan sa karera ng buong mundo, samantalang sinasagasaan mo ang mga Isko at Iska mong pasahero. At magtataas ka na naman bukas ng pasahe mo. Maglalakad na lang ako..
Noong unang panahon inutusan ni Kalikasan ang kanyang alagang higanteng loro na nagngangalang Marco upang hulihin ang mata ni Haring Araw. Mahiwaga at makapangyarihan ang mata ni Haring Araw sapagkat mayroon itong siyam na silahis na batong kulay dugo at kapag nakamulat ay nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Maagang lumipad si Marco sa lupa upang abangan ang pagsikat ni Haring Araw. Habang nasa himpapawid nakarinig si Marco ng isang napakagandang tinig. Malakas na ipinagaspas ni Marco ang kanyang malalapad na pakpak at mabilis na hinanap ang pinanggalingan nito. Lubos ang kanyang galak nang masumpungan ang isang dalagang malungkot na umaawit sa gitna ng batis. Ang dalaga ay nakababatang kapatid ni Mariang Makiling na nagngangalang Diwatang Leso. Labis na nahumaling si Marco sa tinig ng diwata at halos makalimutan nito ang kanyang layunin sa pagbaba sa lupa. Nang makabalik sa kanyang hinagap...
W ag mong paglaruan ang aking pakiramdam damdamin ko ay hindi buslo hindi bola ang aking puso ako naman ay iyo lamang sasakitan gusto mo lamang naman akong mahalikan Wag mong punuin ng mga brilyante at ginto ang mga espasyo sa isip ko ang mga bakante sa aking ulo lolokohin mo lamang naman at pagsasamantalahan ako ang gusto mo lamang naman sa akin ay suso Wag mong ipanungkit ang pinagpala mong dila dahil hindi parang mangga na ang puso ay nakukuha may mga nalalaman ka pang mga buwan at mga tala ang gusto mo lamang naman mahawakan ang aking hita Wag mong taniman ng mga bulaklak ang aking utak ng mga tsokolate ang aking kukote iiwanan mo rin lamang naman akong parang tae ang gusto mo lamang naman sa akin ay puke.
Comments
Post a Comment