Kung ‘sing talim na ng aking ballpen

Kung ‘sing talim na ng aking ballpen
noon ang aking bibig
di sana’y maaga pa’y ika’y akin ng
napaibig.

Kung maaga ko laang nalaang
ang titig ko’y nakakatulig
di sana’y matagal na kitang
pinutakti’t kinuliglig.

Kung maaga laang nakawala
sa ‘king dibdib ang
sang milyong daga
di sana’y ‘di kita hinayaang mawala.

Kung noon pa’y alam ko ng
kung umibig ka’y parang talaba,
pata’y na’y kumakapit pa,
di sana’y ‘di kita hinayaang
umibig sa iba. 

http://yield2me.com/-99566.htm

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang gusto mo lamang naman sa akin ay puke