Posts

Showing posts from November, 2012

Makibaka, Wag Matakot

Sa bayang ang kalayaan      ay matagal nang minimithi, ang mga duwag,      nagbubulag-bulagan,           at nagbibingi-bingihan ay mga taeng pakalat-kalat lamang       malansa pa sa hasang ng isda,       mabaho pa sa posonegro.
Sapagkat ang paghahangad      sa kalayaan ay perpekto,           ang pakikibaka ay absoluto, walang oras, lugar      at panahong pinipili.
Ang lahat ng oras      ay ang tanging oras, ang lahat ng lugar      ay ang tanging ugar, ang lahat ng panahon      ay ang tanging panahon, at ang bawat pagkakataon ay ang pinakamagandang pagkakataon.
Buhay ang katumbas      ng bawat sandali para sa dinayukdok na masa,      sa mga tinanggalan ng karapatan, at sa mga pinagkaitan ng kaayaan.
“Wag matakot, makibaka!”
Papet! Pasista! Pahirap sa Masa! Patasikin si Gloria!

Sa susunod..

Law of Momentum

Humarurot ang pwersang
humatak sa'kin sa iyo,
pero 'di ko maabutan
ang distansyang taglay mo.
Umarangkada ng todo
ang karagkaging dibdib ko,
pero iba yata ang ruta
ng pakiramdam mo.
Di man lang nasalubong
ng mga haplos ko
ang mga pisngi mo,
'di ko man lang nahinga
ang mga hanging
binuga mo.
Kung nakilala lang sana 
ng mga mata mo
ang mga tingin ko
at napaandar ng
mas mabilis ang isip ko.
Sana'y di nakapreno
ang mga labi ko
at tuluyang nakasalpok
sa mga labi mo.
http://yield2me.com/-99566.htm

Tulang Tanga

Image
Mahirap bulagin  ang dati nang bulag
at nagbubulag-bulagan. Iniibig mo na nga'y  di pa nakikita. Mahirap maghintay  kung paalis kana. Di mo naman sinabing  dumating kana. Mahirap sumama  sa may kasama na. Mag-iisa nalang ako.








Mahirap pigilan
ang nang-iiwan. Uuwi nalang ako. Mahirap mahulog  sa damdaming ikaw  ang naghulog. Sinasaktan mo na ako. Mahirap matulog  kung ayaw mo pa. Iniisip pa kasi kita. Mahirap maging tanga. Bukas iisipin parin kita.

http://yield2me.com/-99566.htm

Cancer

Image
Parang panaginip
na nakapasok ang mga talangka
sa’yong tiyan at nanganak sa’yong atay, bituka at baga.





















Di tuloy malaman kung mangingisda, duktor o diyos ang tatawagin para palabasin ang mga talangka. Mabuti daw hagisan ng dinamita
ang loob ng tiyan para tuluyang maglaho ang mga talangka, pero di rin naman imposible ang himala.

http://yield2me.com/-99566.htm

CabSU Syete

Ayokong sakyan ka.

Sinubukan kong sumabay
sa mabilis mong pagtakbo,
habang isinusuka ko
ang sistema mo.

Ipinagyayabang mo sa aking
ako'y iskolar ng bayan,
samantalang ipinagkakait
mo sa akin ang abot-kaya
at dekalidad na edukasyon.
Iilan na nga lang ang
pasahero mong mahirap.

Ibinabandera mo sa akin
ang katotohanan, kagalingan
at serbisyo,
gayong kung ituring mo ang
edukasyon ay parang negosyo.

Hindi ko lubos maisip
kung paano mo nasasabing
ang ikabubuti ng CabSU
ay ikabubuti ng mga estudyante,
samantalang 'di mo
matanggap na lahat
ng ikabubuti ng
mga etudyante ay
ikabubuti ng CabSU.

Sira talaga ang iyong
metro at preno.
Syete.

Maglalakad na lang ako.

http://yield2me.com/-99566.htm

Power Rangers

Image
at sinugo ng US
ang pinakabago nilang kampon.
    maliit, pero matangkad ang igo
    matalino, ngunit ubod ng tuso
at mula sa gakulangot na taling
sa may nguso,
nagmumula ang kasamaang minana pa
    kina Rita Repulsa at Diosdado.
Hinubog ng imperyalismo, burukrata
kapitalismo at pyudalismo.
    Nilikha upang maging makasarili,
marahas at mapanupil,
si Mezzarroyo.

Maghahasik siya ng kasamaan
    sa mga lungsod at kabayanan.
Kasama ang mga alipores na magkakamukha
    at gahaman.
Pagkakaitan niya ang mga tao
ng panirahan, edukasyon at kabuhayan,
    at wala siyang gagawin kundi
magpayaman.

Pero habang nagsasaya at humahalakhak
    darating ang mga super hirow,
mga ordinaryong taong sa isang iglap ay
magsasaitim, sa pula, sa puti,
    pagkatapos magmorpo.
Magpapakilalang mga kakampi ng kabutihan
    at pintakasi ng kapayapaan.

Mapoproseso ang isang labanan:
    "Hindi ka magtatagumpay Mezzarroyo!"
    "Kayo na naman Pawer Renjers"
    "Humanda ka!"
    "Sugurin nyo!"
Tug! Pak!
Swoo…

Gin

Image
Nais kong malunod sa'yo minsan
upang makalimutan 
ang mundo.
Makita na ika'y sumasayaw
sa loob ng bawat tagay ko.
Maramdamang ika'y gumagapang
sa'king ugat, 
laman, 
hanggang buto.
Nagpapaikot-ikot animo'y
hubad na bituin 
sa'king ulo.
Minamanhid ang dibdib ko
habang nilulunok ang 'yong bango.
Hinihigop ang malay kong lango
hanggang isuka 
ang espirito.













Para Sa Aking Nakatalik

Nawala ang mundo 
sa kanyang sarili 
at muling nag-alab 
ang kape.
Umibabaw ang gabi 
pagbaba ng buwan 
at hinalay na labis
ng kumot 
ang kama.
Nilaplap ng ungol 
ang likod ng pinto 
at umikot
ang mga bituin.
Natapos ang musika 
at lumangit 
ang panalangin.
Kumayat ang luha 
sa kisame
at umulan 
sa loob ng bahay.
Nagsaplot ang umaga.
Salamat sa kaninang 
kasama ka. 

http://yield2me.com/-99566.htm

Luntian

Nagiging mapantupok ang mga     gabing ang lahat ay nag-iisa
kung saan ang dilim ay nagiging     kulay pula,         pero iyong nananatili parin ang
drowing sa langit,
dahil sa mga panahong ito     nakatigil lamang ang mundo at         naghihintay sa bawat hiningang
bibitawan mo.
May mga pangyayari dito kung saan      pandalasang maglalampasan
sa langit     ang mga kaluluwa,          hanggang sa mabulunan ang
awter ispeys at magsuka.
Samantalang sa pagitan ng mga ito      pinagpapapatay ang antok,          pinagsasasaksak ang mga  utak, at
pinagpupupunit ang mga haymen      at puso,          at pansamantalang naiiwanang
walang kwenta ang ano,      pagkatapos ay magdurugo ang lahat           habang
nakatigil lamang ang mundo at      naghihintay sa bawat hiningang           bibitawan mo

hanggang sa makalimutan na'ko ng aking hininga.

Iniwanan ako ng ilang kilometro 
ng aking hininga para habulin ka
nang makita kang tumatakbo
sa aking utak kanina
habang dinadaluyan ng lungkot
ang aking dugo
habang tinatanggalan ako 
ng malay ng antok
para patayin ang iyong mga 
yapak
para hindi ko makilala 
ang sakit at sarap
para hindi kita masundan
pero nagmamarka ang iyong
pakiramdam
sa aking nararamdaman
at hindi kita maaalis
sa aking katawan
pero hindi kita mahahawakan 
kailanman
pero tatakbo kang muli 
sa aking utak katulad kanina
iiwanan ako
at patuloy kang hahabulin
ng aking hininga

http://yield2me.com/-99566.htm

Sa Liyab

Kapag nagbaga ang
dugo
naging apoy ang
diwa at puso
at tumibok ang 
apoy

Mananalaytay ang 
pinakamapulang dugo
iibig sa pinakamataas
na antas ang puso
mangwawasak at 
manglilikha ang diwa.


Kapag nanalaytay ang
pinakamapulang dugo
umibig ang apoy 
sa pinakamaalab na anyo
nangwasak ang puso 
nanglikha ang diwa

Magkakaisa ang mga
pagnanasang makalaya
magtatalik ang mga apoy
sa inaaliping lupa
at isisilang ang isang
sumisipang paglaya.