Pamamangka sa Burnham


at namangka kami sa Burnham Park sa Baguio City.

Ipinanagwan namin ang aming taga Caviteng kasama

at ang kanyang taga Mindorong kasintahan

habang gumigiliw ang malamig na hangin

sa mga puno ng pino o pine,

sa mga pusong may pansamantalang inulila sa kalayuan,

sa mga nasa kasarapang sa parke ay naghahalikan,

at sa mga maamong sagwan

sa lawang hindi kalaliman at kadawagan

sa gitna ng maitim na tubig at kalangitan.

Bibihira ang ganitong pagkakataon para sa amin,

sapagkat kami ay doon lumalagi sa Cavite

samantalang ang iba pa ay sa Mindoro.

Bibihira na lalo ito para sa kasama naming magkasintahan

na napakadalang makapagpalitan ng hininga,

palibhasa ay malayo nga ang Cavite sa Mindoro.

Noon ay napakatipid ng mga bituin,

nagtatago ang buwan,

at bahagyang namamahagi ng liwanang

ang mga ilaw sa poste sa parke,

at lahat ng iyon ay kumukuha ng bahagi sa aming alaala.

Ang pagkakataong iyon ay amin lamang ninakaw

at dahil bibihira lamang iyon ay hindi na namin ipinagkait

sa aming sarili.

Isa iyon sa mga sandaling kung maaari ay hindi namin

iiwanan, lalo na marahil sa kasama naming magkasintahan,

at marami pa kaming pinangarap habang namamangka sa

Burnham.



October 31, 2005

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro