Pages

Saturday, December 1, 2012

Ibigin mo ako babaeng batapang

at parang mga tae sa kalsada kong
ikakalat ang mga bituin sa’yong daanan

Parang sanggol na kulang sa buwan
na nasa incubator kitang aalagaan.

Parang batang tinutuli na nilagyan
ng anesthesiang hindi kita sasaktan.

Parang pusang nasagasaan kong
buburahin sa mundo ang iyong kalungkutan

at parang mga pulgas ako ng asong
hindi ka iiwanan hanggang kamatayan.

Ibigin mo ako babaeng matapang. 

Saturday, November 17, 2012

Makibaka, Wag Matakot

Sa bayang ang kalayaan
     ay matagal nang minimithi,
ang mga duwag,
     nagbubulag-bulagan,
          at nagbibingi-bingihan
ay mga taeng pakalat-kalat lamang 
     malansa pa sa hasang ng isda, 
     mabaho pa sa posonegro.

Sapagkat ang paghahangad
     sa kalayaan ay perpekto,
          ang pakikibaka ay absoluto,
walang oras, lugar
     at panahong pinipili.

Ang lahat ng oras
     ay ang tanging oras,
ang lahat ng lugar
     ay ang tanging ugar,
ang lahat ng panahon
     ay ang tanging panahon,
at ang bawat pagkakataon
ay ang pinakamagandang pagkakataon.

Buhay ang katumbas
     ng bawat sandali
para sa dinayukdok na masa,
     sa mga tinanggalan ng karapatan,
at sa mga pinagkaitan ng kaayaan.

“Wag matakot, makibaka!”

Papet! Pasista! Pahirap sa Masa!
Patasikin si Gloria!


Sa susunod..
Patalsikin si P-Noy! 


Thursday, November 15, 2012

Law of Momentum

Humarurot ang pwersang
humatak sa'kin sa iyo,
pero 'di ko maabutan
ang distansyang taglay mo.
Umarangkada ng todo
ang karagkaging dibdib ko,
pero iba yata ang ruta
ng pakiramdam mo.
Di man lang nasalubong
ng mga haplos ko
ang mga pisngi mo,
'di ko man lang nahinga
ang mga hanging
binuga mo.
Kung nakilala lang sana 
ng mga mata mo
ang mga tingin ko
at napaandar ng
mas mabilis ang isip ko.
Sana'y di nakapreno
ang mga labi ko
at tuluyang nakasalpok
sa mga labi mo.
http://yield2me.com/-99566.htm  

Wednesday, November 14, 2012

Tulang Tanga

Mahirap bulagin 
ang dati nang bulag
at nagbubulag-bulagan.
Iniibig mo na nga'y 
di pa nakikita.
Mahirap maghintay 
kung paalis kana.
Di mo naman sinabing 
dumating kana.
Mahirap sumama 
sa may kasama na.
Mag-iisa nalang ako.
 
j-qb bald-man.jpg/ newgrounds.com






  
      
 Mahirap pigilan
 ang nang-iiwan.
Uuwi nalang ako.
Mahirap mahulog 
sa damdaming ikaw 
ang naghulog.
Sinasaktan mo na ako.
Mahirap matulog 
kung ayaw mo pa.
Iniisip pa kasi kita.
Mahirap maging tanga.
Bukas iisipin parin kita.
 
http://yield2me.com/-99566.htm 

Tuesday, November 13, 2012

Cancer


Parang panaginip 
na nakapasok ang mga talangka
sa’yong tiyan
at nanganak sa’yong atay,
bituka at baga.

occupiedmedia.us















Di tuloy malaman
kung mangingisda, duktor o diyos
ang tatawagin
para palabasin ang mga talangka.
Mabuti daw hagisan ng dinamita

ang loob ng tiyan
para tuluyang maglaho
ang mga talangka,
pero di rin naman imposible

CabSU Syete

Ayokong sakyan ka.

Sinubukan kong sumabay
sa mabilis mong pagtakbo,
habang isinusuka ko
ang sistema mo.

Ipinagyayabang mo sa aking
ako'y iskolar ng bayan,
samantalang ipinagkakait
mo sa akin ang abot-kaya
at dekalidad na edukasyon.
Iilan na nga lang ang
pasahero mong mahirap.

Ibinabandera mo sa akin
ang katotohanan, kagalingan
at serbisyo,
gayong kung ituring mo ang
edukasyon ay parang negosyo.

Hindi ko lubos maisip
kung paano mo nasasabing
ang ikabubuti ng CabSU
ay ikabubuti ng mga estudyante,
samantalang 'di mo
matanggap na lahat
ng ikabubuti ng
mga etudyante ay
ikabubuti ng CabSU.

Sira talaga ang iyong
metro at preno.
Syete.

Maglalakad na lang ako.

http://yield2me.com/-99566.htm 

Saturday, November 10, 2012

Power Rangers

at sinugo ng US
ang pinakabago nilang kampon.
    maliit, pero matangkad ang igo
    matalino, ngunit ubod ng tuso
at mula sa gakulangot na taling
sa may nguso,
nagmumula ang kasamaang minana pa
    kina Rita Repulsa at Diosdado.
Hinubog ng imperyalismo, burukrata
kapitalismo at pyudalismo.
    Nilikha upang maging makasarili,
marahas at mapanupil,
si Mezzarroyo.

Maghahasik siya ng kasamaan
    sa mga lungsod at kabayanan.
Kasama ang mga alipores na magkakamukha
    at gahaman.
Pagkakaitan niya ang mga tao
ng panirahan, edukasyon at kabuhayan,
    at wala siyang gagawin kundi
magpayaman.

Pero habang nagsasaya at humahalakhak
    darating ang mga super hirow,
mga ordinaryong taong sa isang iglap ay
magsasaitim, sa pula, sa puti,
    pagkatapos magmorpo.
Magpapakilalang mga kakampi ng kabutihan
    at pintakasi ng kapayapaan.

Mapoproseso ang isang labanan:
    "Hindi ka magtatagumpay Mezzarroyo!"
    "Kayo na naman Pawer Renjers"
    "Humanda ka!"
    "Sugurin nyo!"
Tug! Pak!
Swoosh! Fooshoom!
Gloria Resign!
Makibaka! Kaboom!
Oust Gloria!
Blag! Kablam!

forums.henshinjustice.com







 




At habang nanghihina si Mezzarroyo,
    iaasembol nilang magkadikit
    ang sandatang karit at maso,
pagkatapos ay magiging basuka,
sa bakgrawnd na pula,
    tutugtog ang "Go! Go! Pawer Renjers!"
    buong tapang silang sisigaw ng "Payer!"
Paynali, mawawasak si Mezzarroyo
at ang pahirap sa masang gobyerno.


blog.torakiki.net







Ang Halimaw na si Nobita.
Abangan...

http://yield2me.com/-99566.htm 

Friday, November 9, 2012

Gin

Nais kong malunod sa'yo minsan
upang makalimutan 
ang mundo.
Makita na ika'y sumasayaw
sa loob ng bawat tagay ko.
Maramdamang ika'y gumagapang
sa'king ugat, 
laman, 
hanggang buto.
Nagpapaikot-ikot animo'y
hubad na bituin 
sa'king ulo.
Minamanhid ang dibdib ko
habang nilulunok ang 'yong bango.
Hinihigop ang malay kong lango
hanggang isuka 
ang espirito.
photobucket.com










  


Thursday, November 8, 2012

Para Sa Aking Nakatalik

Nawala ang mundo 
sa kanyang sarili 
at muling nag-alab 
ang kape.
Umibabaw ang gabi 
pagbaba ng buwan 
at hinalay na labis
ng kumot 
ang kama.
Nilaplap ng ungol 
ang likod ng pinto 
at umikot
ang mga bituin.
Natapos ang musika 
at lumangit 
ang panalangin.
Kumayat ang luha 
sa kisame
at umulan 
sa loob ng bahay.
Nagsaplot ang umaga.
Salamat sa kaninang 
kasama ka. 

http://yield2me.com/-99566.htm 

Wednesday, November 7, 2012

Luntian

Nagiging mapantupok ang mga
    gabing ang lahat ay nag-iisa

kung saan ang dilim ay nagiging
    kulay pula,
        pero iyong nananatili parin ang

drowing sa langit,

dahil sa mga panahong ito
    nakatigil lamang ang mundo at
        naghihintay sa bawat hiningang

bibitawan mo.

May mga pangyayari dito kung saan
     pandalasang maglalampasan

sa langit
    ang mga kaluluwa,
         hanggang sa mabulunan ang

awter ispeys at magsuka.

Samantalang sa pagitan ng mga ito
     pinagpapapatay ang antok,
         pinagsasasaksak ang mga  utak, at

pinagpupupunit ang mga haymen
     at puso,
         at pansamantalang naiiwanang

walang kwenta ang ano,
     pagkatapos ay magdurugo ang lahat
          habang

nakatigil lamang ang mundo at
     naghihintay sa bawat hiningang
          bibitawan mo

pa.