Pages

Saturday, November 17, 2012

Makibaka, Wag Matakot

Sa bayang ang kalayaan
     ay matagal nang minimithi,
ang mga duwag,
     nagbubulag-bulagan,
          at nagbibingi-bingihan
ay mga taeng pakalat-kalat lamang 
     malansa pa sa hasang ng isda, 
     mabaho pa sa posonegro.

Sapagkat ang paghahangad
     sa kalayaan ay perpekto,
          ang pakikibaka ay absoluto,
walang oras, lugar
     at panahong pinipili.

Ang lahat ng oras
     ay ang tanging oras,
ang lahat ng lugar
     ay ang tanging ugar,
ang lahat ng panahon
     ay ang tanging panahon,
at ang bawat pagkakataon
ay ang pinakamagandang pagkakataon.

Buhay ang katumbas
     ng bawat sandali
para sa dinayukdok na masa,
     sa mga tinanggalan ng karapatan,
at sa mga pinagkaitan ng kaayaan.

“Wag matakot, makibaka!”

Papet! Pasista! Pahirap sa Masa!
Patasikin si Gloria!


Sa susunod..
Patalsikin si P-Noy! 


2 comments:

  1. nice...ayaw ko rin kay Gloria...:)


    xx!

    ReplyDelete
  2. dami makaka relate nito lalo na dun sa ayaw kay Gloria hehehe

    ReplyDelete