Tuesday, November 13, 2012

CabSU Syete

Ayokong sakyan ka.

Sinubukan kong sumabay
sa mabilis mong pagtakbo,
habang isinusuka ko
ang sistema mo.

Ipinagyayabang mo sa aking
ako'y iskolar ng bayan,
samantalang ipinagkakait
mo sa akin ang abot-kaya
at dekalidad na edukasyon.
Iilan na nga lang ang
pasahero mong mahirap.

Ibinabandera mo sa akin
ang katotohanan, kagalingan
at serbisyo,
gayong kung ituring mo ang
edukasyon ay parang negosyo.

Hindi ko lubos maisip
kung paano mo nasasabing
ang ikabubuti ng CabSU
ay ikabubuti ng mga estudyante,
samantalang 'di mo
matanggap na lahat
ng ikabubuti ng
mga etudyante ay
ikabubuti ng CabSU.

Sira talaga ang iyong
metro at preno.
Syete.

Maglalakad na lang ako.

http://yield2me.com/-99566.htm 

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home