Thursday, November 15, 2012

Law of Momentum

Humarurot ang pwersang
humatak sa'kin sa iyo,
pero 'di ko maabutan
ang distansyang taglay mo.
Umarangkada ng todo
ang karagkaging dibdib ko,
pero iba yata ang ruta
ng pakiramdam mo.
Di man lang nasalubong
ng mga haplos ko
ang mga pisngi mo,
'di ko man lang nahinga
ang mga hanging
binuga mo.
Kung nakilala lang sana 
ng mga mata mo
ang mga tingin ko
at napaandar ng
mas mabilis ang isip ko.
Sana'y di nakapreno
ang mga labi ko
at tuluyang nakasalpok
sa mga labi mo.
http://yield2me.com/-99566.htm  

Labels:

1 Comments:

At November 15, 2012 at 1:36 PM , Blogger littleyana said...

Ang ganda ng bagsak ng mga salita. Dapat basahin ng mabilis kasi nandun yung momentum. Good post!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home