Posts

Showing posts from November, 2012

Makibaka, Wag Matakot

Sa bayang ang kalayaan      ay matagal nang minimithi, ang mga duwag,      nagbubulag-bulagan,           at nagbibingi-bingihan ay mga taeng pakalat-kalat lamang       malansa pa sa hasang ng isda,       mabaho pa sa posonegro. Sapagkat ang paghahangad      sa kalayaan ay perpekto,           ang pakikibaka ay absoluto, walang oras, lugar      at panahong pinipili. Ang lahat ng oras      ay ang tanging oras, ang lahat ng lugar      ay ang tanging ugar, ang lahat ng panahon      ay ang tanging panahon, at ang bawat pagkakataon ay ang pinakamagandang pagkakataon. Buhay ang katumbas      ng bawa...

Law of Momentum

Humarurot ang pwersang humatak sa'kin sa i yo, pero 'di ko maabutan ang distansyang taglay mo. Umarangkada ng todo ang karagkaging dibdib ko, pero iba yata ang ruta ng pakiramdam mo. Di man lang nasalubong ng mga haplos ko ang mga pisngi mo, 'di ko man lang nahinga ang mga hanging binuga mo. Kung nakilala lang sana  ng mga mata mo ang mga tingin ko at napaandar ng mas mabilis ang isip ko. Sana'y di nakapreno ang mga labi ko at tuluyang nakasalpok sa mga labi mo. http://yield2me.com/-99566.htm  

Tulang Tanga

Image
Mahirap bulagin  ang dati nang bulag at nagb ubulag-bulagan . Iniibig mo na nga'y  di pa nakikita. Mahirap maghintay  kung paalis kana. Di mo naman sinabing  dumating kana. Mahirap sumama  sa may kasama na. Mag-iisa nalang ako.   j-qb bald-man.jpg/ newgrounds.com               M ahirap pigila n   ang nang-iiwan. Uuwi nalang ako. Mahirap mahulog  sa damdaming ikaw  ang naghulog. Sinasaktan mo na ako. Mahirap matulog  kung ayaw mo pa. Iniisip pa kasi kita. Mahirap maging tanga. Bukas iisipin parin kita.   http://yield2me.com/-99566.htm  

Cancer

Image
Parang panagin ip   n a nakapasok ang mga talangka sa’yong tiyan at nanganak sa’yong atay, bituka at baga. occupiedmedia.us Di tuloy malaman kung mangingisda, duktor o diyos ang tatawagin para palabasin ang mga talangka. Mabuti daw hagisan ng dinamita ang loob ng tiyan para tuluyang maglaho ang mga talangka, pero di rin naman imposible ang himala. http://yield2me.com/-99566.htm  

CabSU Syete

Ayokong sakyan ka. Sinubukan kong sumabay sa mabilis mong pagtakbo, habang isinusuka ko ang sistema mo. Ipinagyayabang mo sa aking ako'y iskolar ng bayan, samantalang ipinagkakait mo sa akin ang abot-kaya at dekalidad na edukasyon. Iilan na nga lang ang pasahero mong mahirap. Ibinabandera mo sa akin ang katotohanan, kagalingan at serbisyo, gayong kung ituring mo ang edukasyon ay parang negosyo. Hindi ko lubos maisip kung paano mo nasasabing ang ikabubuti ng CabSU ay ikabubuti ng mga estudyante, samantalang 'di mo matanggap na lahat ng ikabubuti ng mga etudyante ay ikabubuti ng CabSU. Sira talaga ang iyong metro at preno. Syete. Maglalakad na lang ako. http://yield2me.com/-99566.htm  

Power Rangers

Image
at sinugo ng US ang pinakabago nilang kampon.     maliit, pero matangkad ang igo     matalino, ngunit ubod ng tuso at mula sa gakulangot na taling sa may nguso, nagmumula ang kasamaang minana pa     kina Rita Repulsa at Diosdado. Hinubog ng imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo.     Nilikha upang maging makasarili, marahas at mapanupil, si Mezzarroyo. Maghahasik siya ng kasamaan     sa mga lungsod at kabayanan. Kasama ang mga alipores na magkakamukha     at gahaman. Pagkakaitan niya ang mga tao ng panirahan, edukasyon at kabuhayan,     at wala siyang gagawin kundi magpayaman. Pero habang nagsasaya at humahalakhak     darating ang mga super hirow, mga ordinaryong taong sa isang iglap ay magsasaitim, sa pula, sa puti,     pagkatapos magmorpo. Magpapakilalang mga kakampi ng kabutihan     at pintakasi n...

Gin

Image
Nais kong malunod sa'yo minsan upang makalimutan  ang mundo. Makita na ika'y sumasayaw sa loob ng bawat tagay ko. Maramdamang ika'y gumagapang sa'king ugat,  laman,  hanggang buto. Nagpapaikot-ikot animo'y hubad na bituin  sa'king ulo. Minamanhid ang dibdib ko habang nilulunok ang 'yong bango. Hinihigop ang malay kong lango hanggang isuka  ang espirito. photobucket.com    

Para Sa Aking Nakatalik

Nawala ang mundo  sa kanyang sarili  at muling nag-alab  ang kape. Umibabaw ang gabi  pagbaba ng buwan  at hinalay na labis ng kumot  ang kama. Nilaplap ng ungol  ang likod ng pinto  at umikot ang mga bituin. Natapos ang musika  at lumangit  ang panalangin. Kumayat ang luha  sa kisame at umulan  sa loob ng bahay. Nags aplot ang umaga. Salamat sa kaninang  kasama ka.  http://yield2me.com/-99566.htm  

Luntian

Nagiging mapantupok ang mga     gabing ang lahat ay nag-iisa kung saan ang dilim ay nagiging     kulay pula,         pero iyong nananatili parin ang drowing sa langit, dahil sa mga panahong ito     nakatigil lamang ang mundo at         naghihintay sa bawat hiningang bibitawan mo. May mga pangyayari dito kung saan      pandalasang maglalampasan sa langit     ang mga kaluluwa,          hanggang sa mabulunan ang awter ispeys at magsuka. Samantalang sa pagitan ng mga ito      pinagpapapatay ang antok,          pinagsasasaksak ang mga  utak, at pinagpupupunit ang mga haymen      at puso,   ...

hanggang sa makalimutan na'ko ng aking hininga.

Iniwanan ako ng ilang kilometro  ng aking hininga para habulin ka nang makita kang tumatakbo sa aking utak kanina habang dinadaluyan ng lungkot ang aking dugo habang tinatanggalan ako  ng malay ng antok para patayin ang iyong mga  yapak para hindi ko makilala  ang sakit at sarap para hindi kita masundan pero nagmamarka ang iyong pakiramdam sa aking nararamdaman at hindi kita maaalis sa aking katawan pero hindi kita mahahawakan  kailanman pero tatakbo kang muli  sa aking utak katulad kanina iiwanan ako at patuloy kang hahabulin ng aking hininga http://yield2me.com/-99566.htm  

Sa Liyab

Kapag nagbaga ang dugo naging apoy ang diwa at puso at tumibok ang  apoy Mananalaytay ang  pinakamapulang dugo iibig sa pinakamataas na antas ang puso mangwawasak at  manglilikha ang diwa. Kapag nanalaytay ang pinakamapulang dugo umibig ang apoy  sa pinakamaalab na anyo nangwasak ang puso  nanglikha ang diwa Magkakaisa ang mga pagnanasang makalaya magtatalik ang mga apoy sa inaaliping lupa at isisilang ang isang sumisipang paglaya. (Winner, 3rd Place in Tula Category, Gawad Emman Lacaba 2005)