Sa Liyab


Kapag nagbaga ang

dugo

naging apoy ang

diwa at puso

at tumibok ang 

apoy


Mananalaytay ang 

pinakamapulang dugo

iibig sa pinakamataas

na antas ang puso

mangwawasak at 

manglilikha ang diwa.



Kapag nanalaytay ang

pinakamapulang dugo

umibig ang apoy 

sa pinakamaalab na anyo

nangwasak ang puso 

nanglikha ang diwa


Magkakaisa ang mga

pagnanasang makalaya

magtatalik ang mga apoy

sa inaaliping lupa

at isisilang ang isang

sumisipang paglaya.


(Winner, 3rd Place in Tula Category, Gawad Emman Lacaba 2005)

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro