Monday, November 5, 2012

hanggang sa makalimutan na'ko ng aking hininga.

Iniwanan ako ng ilang kilometro 
ng aking hininga para habulin ka
nang makita kang tumatakbo
sa aking utak kanina
habang dinadaluyan ng lungkot
ang aking dugo
habang tinatanggalan ako 
ng malay ng antok
para patayin ang iyong mga 
yapak
para hindi ko makilala 
ang sakit at sarap
para hindi kita masundan
pero nagmamarka ang iyong
pakiramdam
sa aking nararamdaman
at hindi kita maaalis
sa aking katawan
pero hindi kita mahahawakan 
kailanman
pero tatakbo kang muli 
sa aking utak katulad kanina
iiwanan ako
at patuloy kang hahabulin
ng aking hininga

http://yield2me.com/-99566.htm 

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home