Posts

Showing posts from June, 2013

Pamamangka sa Burnham

at namangka kami sa Burnham Park sa Baguio City. Ipinanagwan namin ang aming taga Caviteng kasama at ang kanyang taga Mindorong kasintahan habang gumigiliw ang malamig na hangin sa mga puno ng pino o pine, sa mga pusong may pansamantalang inulila sa kalayuan, sa mga nasa kasarapang sa parke ay naghahalikan, at sa mga maamong sagwan sa lawang hindi kalaliman at kadawagan sa gitna ng maitim na tubig at kalangitan. Bibihira ang ganitong pagkakataon para sa amin, sapagkat kami ay doon lumalagi sa Cavite samantalang ang iba pa ay sa Mindoro. Bibihira na lalo ito para sa kasama naming magkasintahan na napakadalang makapagpalitan ng hininga, palibhasa ay malayo nga ang Cavite sa Mindoro. Noon ay napakatipid ng mga bituin, nagtatago ang buwan, at bahagyang namamahagi ng liwanang ang mga ilaw sa poste sa parke, at lahat ng iyon ay kumukuha ng bahagi sa aming alaala. Ang pagkakataong iyon...

A Ghost Fighter's Night

Wala namang natatakot. Nariyan ka naman, nandito pa rin ako, at nariyan din sila. Mas malayo ang tingin ko sa tinitingnan mo at hindi nila tayo nakikita. Hindi ko naman nararamdaman ang iyong pakiramdam. Inaantok lang ako dahil gusto mo nang matulog.

Semilya

Katulad ng mga araw-araw na ang mga bituin ay nahuhulog sa pinakamasarap na kalangitan, gabi- gabi na inaabot ang pinakamaganda na buwan, para bukas may panibago na umaga na naman.

May dugo sa iyong kape

                                                                                            Lumalagok                                                                          ...

Dahil sa mga luha ni Anne

Kapalaran ng mga bagay ang lumipas, lahat ng bagay. Minsan may mga namamatay kaagad. Umiiyak ang mga tao para maging totoo ang mga kalungkutan, minsan para maniwala ang lahat na merong nawala sa mga mundo. Nalulungkot ang mga tao, dahil nalulungkot sila, minsan para malamang mga tao sila.