Walang’ya naman Bathala. Tirahin mo na’ko ng ‘yong state of the art na kidlat, paulanan mo na’ko ng mga pana at mga sibat, at ‘wag mo na’kong pa- inhale lin ng oxygen o palagyan mo na ng lason ang aking bloodstream dahil nagkasala ako sa’yo ng ‘di ko mabilang na blasphemy saka binastos ko ang iyong ina ng paulit-ulit na curse matapos kang magpadala ng hi-tech na plague . Prenteng-prente ako sa LRT (Light Rail Transit) , bigla-bigla kang mamumutol ng hinlalaki samantalang sa isang araw pa ang Happy New Year . Kunwari ka pang love mo ako. Ang baho ng trip mo. Jackpot sa lotto ang hiniling ko hindi ang may sumabog na bomba dito saka hindi ko hiniling na pulbusin mo ang mga tao. Sinong sisisihin ko, mga terorista sa programang terorismo ng mundo, samantalang mas close tayo nina Bin Laden, Bush, at Arroyo. ‘Pag naaalala ko, nagtira pa talaga, nagtira ka pa, nine na lang tuloy ang fingers ko, nine na lang ‘di pa nilahat, pati a...
Comments
Post a Comment