Pages

Saturday, June 29, 2013

Dahil sa mga luha

Kapalaran ng mga
bagay ang lumipas,
lahat ng bagay.

Minsan may mga
namamatay kaagad.
Umiiyak ang mga

tao para maging
totoo ang mga
kalungkutan,

minsan para maniwala
ang lahat na merong
nawala sa mga

mundo.
Nalulungkot ang mga
tao,

dahil nalulungkot sila,
minsan para malamang
mga tao sila.

2 comments:

  1. ang lalim .. *hingang malalim* .. ang galling mo talaga unknownymouspoet :D

    ReplyDelete