Saturday, June 29, 2013

Made-date kami ng girlfriend ko

Magde-date kami ng girlfriend ko
Matagal kong hinintay ang araw na ito.
Pareho kaming naka-tshirt na itim kahit hindi kami nag-usap
Nagkataon din siguro na pareho kaming naka-sandals.
Ito ang magiging unang date namin sa labas ng Cavite.
Sa pagkakataong ito, sa Manila.

Sariwang-sariwa pa ang mga rosas na kabibili ko pa lamang.
Naihanda ko na ang aming panggastos at pamasahe,
     ang mga bag para lalagyan ng mga gamit,
          mga panyo para pamunas sa pawis,
               mga reserbang damit at pantalon, mga bote ng tubig,
mga banner at placards.

Mamaya magde-date kami ng girlfriend ko doon sa kahabaan ng Ayala.
Maglalakad kaming magkahawak angmga kamay sa kalsada.
Katulad ng ibang magkasintahan kami ay magpapakasaya.
Sasabihin kong mahal ko siya sa harap ng masa.
Sisigaw kami ng wag matakot, makibaka!
Ibabagsak namin ang rehimen ni Gloria.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home