Ako'y Tutula

Ako’y tutula, mahabang-mahaba,
kaya humanda ka’t baka sa wakas
ay mabuksan ko na ang ‘yong mga taynga
sa pamamagitan ng mga nakakahiwang letra
at baka sakaling maalayan na kita
ng mga salitang matamis pa
sa pinakamatamis na minamatamis na pinya,
sa bugnoy na supsuping mangga,
at sa nilalanggam na asukal na pula,
hanggang sa mahulog ka nang tuluyan
sa‘king planeta,  
sapagkat nais ko sanang paibigin kita
katulad ng sa maganda at halimaw,
katulad ng gamu-gamo sa ilaw,
katulad ng sa tae at langaw,
pangakong mamahalin kita
kahit ilang beses sa isang araw,
araw-araw,
umulan man o umaraw,
kahit na tayo ay pumanaw,
hanggang sa ang mundo’y magunaw,
ako’y uupo, tapos na po.

(Kabuuan ng tulang Ako’y tutula, mahabang-mahaba. Ako’y uupo, tapos na po.)

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro