K.O.
Sa Bagong Silang bumagsak si Pacman sa tapat ng Moisley’s Toy Balloons. Hindi na kami nakaeksena nang sumubsob siya sa basketball court bandang ala-una. Ang natatandaan ko lang eh humihiyaw pa kaming mga fans hehe sa tuwing nasasapul ng buntal si Dinamita. Kami actually ay walang mapagbulsahan ng saya sa tuwing nababahag ang noo ng kalaban niyang mortal. Kinikilig sa mga pagsapok niyang tumutulig sa laos at bulok na kalaban. Humihiwa na ang mga ngiti sa pisngi ng fans kasali ciempre ako. Yes. Nangigigil na makaigkas ang saya. Kumikinang na ang mga mata. Sabay putok ng Dinamita sa mukha ni Pacman. Tinatanaw ko’y nakadapa na at di gumagalaw ang aking idol. Bibili sana ako ng gamot sa katabing botika pero daig ko pa ang knock out hanggang kaluluwa.