Daisy
Pinupuno
niya ng mga baga ang langit
Upang gumawa ng dilim
Sinisindihan hanggang magningas
ang mga bituin.
Hinuhulma mula sa abo
ang buwan
Tumatanglaw sa naglalakad
Sa kawalan.
Nilalatag niya ang dagat sa langit
upang gumawa ng liwanag
Hinahampas ng alon
hanggang bumuhos ang ulan.
Inuukit ang sikat ng araw
sa dalampasigan
Tumatangangay sa bulaklak
sa kalawakan.
Hindi ako ang buwan na maglalaho
Upang gumawa ng dilim
Sinisindihan hanggang magningas
ang mga bituin.
Hinuhulma mula sa abo
ang buwan
Tumatanglaw sa naglalakad
Sa kawalan.
Nilalatag niya ang dagat sa langit
upang gumawa ng liwanag
Hinahampas ng alon
hanggang bumuhos ang ulan.
Inuukit ang sikat ng araw
sa dalampasigan
Tumatangangay sa bulaklak
sa kalawakan.
Hindi ako ang buwan na maglalaho
sa
lakas ng hangin
Hindi ikaw ang araw na mabubura
sa buhangin.
Hindi tayo ang mga bituin
na magniningas lamang sa gabi
Hindi tayo ang mga buhangin
na matatangay lamang sa tabi.
Siya, sila ang gumawa ng langit
na hindi ko nakita kailanman.
Sila ay ang walang hanggan na tag-ulan.
Tayo nama’y ningas ng mga baga
na walang katapusan.
Ako ang lalaking naglalakad sa kawalan
Ikaw ang magandang bulaklak
na aking natagpuan.
Hindi ikaw ang araw na mabubura
sa buhangin.
Hindi tayo ang mga bituin
na magniningas lamang sa gabi
Hindi tayo ang mga buhangin
na matatangay lamang sa tabi.
Siya, sila ang gumawa ng langit
na hindi ko nakita kailanman.
Sila ay ang walang hanggan na tag-ulan.
Tayo nama’y ningas ng mga baga
na walang katapusan.
Ako ang lalaking naglalakad sa kawalan
Ikaw ang magandang bulaklak
na aking natagpuan.
Comments
Post a Comment