Pero Hindi Niya Nakita


Apat na oras niyang hinintay
bumagsak ang mga tala.
Kung lumuluwag ang turnilyo sa leeg
nakalas na ang sa kanya.
Napapatawa nga sa kanya 
ang buwan at si Jollibee.
Daig pa raw niya ang adik.

Apat na oras niyang hinintay
bumagsak ang mga tala.
Mahulog mula sa langit
Bumaba mula sa dyip.
Pumasok sa mata.
Hahawakan daw at ikukulong
sa dibdib niya.

Pero hindi niya nakita.
Pero siguro nga ay bumagsak.
Pero hindi niya lang nakita.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan