Ang kaya mo lamang naman ipagyabang ay tite (Reposted)

Wag mo akong gawing utusan
sunud-sunuran sa'yong atas
sukat sa'tin sa mundo'y patas
ihi mo lamang ang mataas.

Wag mo akong magawang saktan
dahil 'di kita uurungan
menstrasyon, konsepsyon, sesaryan,
sa tuli ka lang nahirapan.

Wag mo akong mamaliitin
wala kaming 'di kayang gawin
kaya kitang s'yam na b'wan dalhin
bayag lang kaya mong bitbitin.


Wag mo akong gawing laruan
o hugis ng 'yong kamunduhan
maraming taglay kaming yaman
tite lang kaya mong pagyabang.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro