Tatakboboto
Magkaugnay ang tatakbo at boboto. Pag merong tatakbo merong boboto. Pag merong boboto ciempre merong tatakbo. Pero meron ding tumatakbong hindi ibinoboto, meron ding mga botanteng hindi bumoboto at mga pede nang bumoto pero hindi nagpaparehisto. Sila raw iyong mga walang pakialam. Ibig sabihin botohan na naman, pede ring takbuhan na naman. Merong mga tumatakbo na bobo. Hindi sila iba sa mga bobong t umatatakbo. Makasarili ang dahilan sa kanilang pagtakbo. Lalabas sa TV, mamimili ng boto, magnanakaw at mandaraya para lamang manalo. At meron ding mga bobo kung bumoto, bumoboto sa mga tumatakbong bobo. Pero paano malalaman kung bobo ang tumatakbo, samantalang sila ay mga santo at pag-asa ang pangako. Paano masasabing bobo ang bumo boto kung naniniwala sa mga santo at pag-asa ang gusto. Malay ba natin kung sila'y makasarili, m angangampanya sa TV, boto ay binibili, magnanakaw at mandaraya lamang sa huli. Wala namang napapar...