Pages

Friday, October 26, 2012

Paghihintay ng oras sa Formerly Mark James Hospital


Parang panaginip na bigla nalang kaming
nandito lahat kanina.
Dala ang Dade naming dinapuan
ng sabi nila'y
nakamamatay na kaba.



Kanina lang sa alaala namin ay matapang,
malakas ang boses,
at masigla.
Parang 'di tinatablan ng bala,
bagama't paminsan-minsa'y
dinadaplisan ng rayuma.
Tinamaan ng disgrasya.
Sa isang iglap dinapuan ng
nakamamatay na kaba.
Parang habambuhay bago sumapit
ang alas diyes ng umaga
upang siya'y makita sa ICU
7:45 palang,
parin.
May kalungkutan sa kanyang mga mata
kanina na muntik nang pumatak.
Buti nalang may swabeng bigote
at may tato sa dibdib na Baby.
Kami,
ang meron lamang ay pag-aalala,
limang piso sa'king bulsa,
mga bulateng nadisgrasya,
dalawang-libong inutang pa,
isang libong sahod ni Sheila,
'di magmamaliw na pagmamahal 

sa kanya,
at pag-asa,
at pananalig na gagaling talaga
si Dade.




Wag lamang tuluyang
matabunan ng kaba
ang malagong bigote.
Hanggang sabihin ng duktor
na magiging maayos ang lahat,
makauwi kami sa Indang,
at makakaing muli nang sabay-sabay.


http://yield2me.com/-99566.htm 

2 comments: