Tatakboboto


Magkaugnay ang tatakbo
at boboto.
Pag merong tatakbo
merong boboto.
Pag merong boboto
ciempre merong tatakbo.
Pero meron ding tumatakbong 

hindi ibinoboto,
meron ding mga botanteng 

hindi bumoboto
at mga pede nang bumoto
pero hindi nagpaparehisto.
Sila raw iyong mga walang
pakialam.
Ibig sabihin botohan
na naman,
pede ring takbuhan
na naman.

Merong mga tumatakbo
na bobo.
Hindi sila iba sa mga 

bobong tumatatakbo.
Makasarili ang dahilan 

sa kanilang pagtakbo.
Lalabas sa TV, 
mamimili ng boto,
magnanakaw at
mandaraya para lamang
manalo.
At meron ding mga bobo
kung bumoto,
bumoboto sa mga
tumatakbong bobo.

Pero paano malalaman 

kung bobo ang tumatakbo,
samantalang sila ay mga santo
at pag-asa ang pangako.
Paano masasabing bobo
ang bumoboto
kung naniniwala sa mga santo
at pag-asa ang gusto.
Malay ba natin kung sila'y 

makasarili,
mangangampanya sa TV,
boto ay binibili,
magnanakaw
at mandaraya lamang 

sa huli.
Wala namang napaparusahan 

at nahuhuli
at parang laway
kung idura ang sori.

O ganito mangatuwiran
ang mga bobo.
At ganito ang gusto
ng mga tumatakbong bobo.
Ay sino nga bang iboboto
ng katulad kong bobo.
Mananalo parin naman
ang mga tatakbo,
wala namang talo kundi
tayo.



http://yield2me.com/-99566.htm

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro