Ang kaya mo lamang naman ipagyabang ay tite

Wag mo akong gawing utusan
sunud-sunuran sa'yong atas
sukat sa'tin sa mundo'y patas
ihi mo lamang ang mataas.

Wag mo akong magawang saktan
dahil 'di kita uurungan
menstrasyon, konsepsyon, sesaryan,
sa tuli ka lang nahirapan.

Wag mo akong mamaliitin
wala kaming 'di kayang gawin
kaya kitang s'yam na b'wan dalhin
bayag lang kaya mong bitbitin.


Wag mo akong gawing laruan
o hugis ng 'yong kamunduhan
maraming taglay kaming yaman
tite lang kaya mong pagyabang.


http://yield2me.com/-99566.htm

Comments

  1. sa panahon ngayon hindi na minamaliit ang mga babae; hindi na sinasawalang bahala ang mga kakayahan. luma na ang konseptong iyon. nasa isip lamang natin ang pagkakaiba iba. hindi na bayag ang simbolo ng kalakasan at kapangyarihan kundi sa gawi ng isang tao. kahit ano pang kasarian, may laban sa buhay.

    hihi. ang ganda ng tula. napataas ang kilay ko dito. para bang apektado ako. haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro