Ang halimaw na si Kurukuro
Nagkaroon ng malakas
na pagsabog at pagyanig
mula sa palasyo
na lumikha ng malaking
butas.
Mula sa butas ay lumabas
ang halimaw na si
Kurukuro.
4'11 ang taas at mukhang
kuto.
Paurong lumakad
at may nunal sa may nguso.
Sa malaking boses:
wawasakin ko at sasakupin
wawasakin ko at sasakupin
ang bansang ito!
At winasak ni Kurukuro
ang ekonomiya ng Pinas.
Pinahirapan ang mga
Pinoy.
Nagpasasa sa salapi
at sa kapangyarihan.
Mataas na singil
sa tubig at kuryente.
Mataas na presyo ng
bilihin at langis.
Mababang palitan ng
piso.
Piso ba 'kamo?
Unti-unting nagkamalay
si Juan.
Maaksyon na maaksyon:
hindi kita papayagang sirain
hindi kita papayagang sirain
ang aming bansa Kurukuro!
Dinukot sa bulsa
ang natitirang piso
at itinaas.
Swak!
nitro-retro.blogspot.com
Sa pamamagitan ng piso
si Juan ay nagpapalit anyo
at nagiging si Ultrawan.
Lalong nagwala si Kurukuro.
Humanda si Ultrawan,
'sing laki ng libo-libong Juan.
Dibdib ay 'sing liwanag
ng pag-asa ng bayan.
Dagundong ay 'sing ingay
ng sigaw ng masa.
At ang suntok ay 'sing lakas
ng mga kamaong sa langit
nakataas
nakataas
na sa isang iglap ay tatapos
kay Kurukuro
at sa maiitim na balak nito
sa mga Pilipino.
Swak!
Comments
Post a Comment