Hubad
Habang
ako ay hubo,
ay
iyo na akong tingnan,
dahil
kaya tayo may mata
ay
para magkakitaan.
Habang
ako ay hubo,
ay
huwag ka ng mahiya,
dahil
hindi naman
magkaiba
ang hiya at
kabastusan.
Habang
ako ay hubo,
ay
gawin mo na ang lahat
ng
ayaw mong gawin,
dahil
minsan mo lang
naman
ako mararanasan.
March 25, 2004
March 25, 2004
Comments
Post a Comment