Pagsinta
‘Di
na magawang magtugma ng mga
titik
ng aking pagtangi sa iyo.
‘Di
na sasayaw at aawit ang mga
kataga
ng pag- ibig kong ito.
Kung
hanggang pangarap na lamang
ang
makapiling kita.
Kung
hanggang panaginip ang muli
ay
masilayan ka.
‘Di
na nanaisin ang magising pa.
Hahayaan
na lamang mabangungot
sa
iyong walang hanggang pagsinta.
Comments
Post a Comment