Nauubos ang Oxygen sa Languages

Nauubos ang oxygen sa Languages
kapag mga unang araw pa lamang
ng klase, 
parang molecules ng solid
ang mga estudyante,

kapag mga unang araw pa lamang
ng klase,
dahil dito sa CvSU (Cavite State University)
may panahon ng taglagas ng mga estudyante

Parang Maynila ang Languages
kapag mga unang araw pa lamang
ng klase
may traffic ng mga bagong species,
banggaan ng mga fashion statements,
at madalas ang aksidente
dahil walang mga road signs katulad ng
gumamit ng deodorant,
‘di tambayan ang daanan,
at ‘di upuan ang hagdanan.

Saka mas maingay mas mainit
kaya sobrang init sa Languages.

Maraming bagong instructor sa CAS
(College of Arts and Sciences)
pupunuan ang pwesto ng mga umalis
kaya naman hindi nauubos ang mga contractual
sa Languages
(ganun din ang kaso sa ibang colleges)
at hindi iyon nakakatuwa.

Isa sa mga pinakamalupit na bakery
ang Languages,
dito hinuhulma ang mga estudyanteng
‘the best and the brightest’ ,
gagawin ka ditong pandesal ng CvSU,
‘pag minalas ka ga-graduate kang
puro hangin.

Pero libre ang paggamit ng oxygen
sa Languages
‘di katulad ng sa mga comfort room,
dahil siyempre libre naman talaga ang hangin,
biro lang,
ang totoo hindi pa lang naiisip pabayaran
ng CvSU,

at hindi ko sila binibigyan ng idea.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Alamat ng Asukal na Pula

Ang Alamat ng Pico de Loro