Kabanata II
Intro
Ika'y ibong malaya sa kabilang sulok ng mundo
Tinig mo'y nanunuot mula ugat
Hanggang buto
Naalala ka ng kaluluwa,
Naaalala ka
Ang pag-asa at tanging ilaw,
Kilala ko, Ikaw
Ako nama'y makasalanang
nakagapos ang kamay
Manggagapit ng kaluluwa,
"Ang Kamatayan"
Ang madilim na langit at
Malakas na ulan
Ang mapusok at walang puso,
Kilala mo, Ako
Kabanata I
Sa kabanatang ito
Ika'y salamin ng isang prinsesa
Ako nama'y kalansay na binihisan ng tela
Magkabiyak ang ating lagablab at kaluluwa
Ikaw ang payapa, ako ang digma
Ang madugong kwento ng pag-ibig at pagkawala.
Mapipigilan ko ba?
Nararamdaman mo ba?
San kaba nanggaling?
San ba'ko nagpunta?
Ika'y nariyan parin sa kalawakan
Walang bahid ng nakaraan
Ano kayang dalangin?
Ano kayang hiling?
Ako sana'y tangayin parang bato sa buhangin
Pero hindi ito ang
kabanata natin
Hindi nga pala ito
Magkunwari nalang tayong mga ordinaryong tao
Magpaanod nalang tayo sa magkabilang dulo
Kabanata II
Sa kabanatang ito
Ikaw ay Ikaw,
Ako ay Ako,
Sa pagsikat ng bagong araw
Magkikita tayo
Sa muling pagmulat ng mata
Kilala ka
Ang unang hakbang ay patungo sa'yo sinta
Malinaw ang 'yong tinig at mga mata
Kahit sa dulo ng impyerno
Kukuhanin kita
At wala akong pakelam sa kanila.
Comments
Post a Comment