Sipon

Nakasabay kita minsan sa dyip
na pa- Crossing Mendez,
sinisipon ka kaya pati ako nahawa,
kaya hindi kita makalimutan.

Nakatabi kita minsan sa upuan,
iba ang pakiramdam ko,
para akong magkakasakit,
pero wala ka namang sipon.

Pumupunta ako sa
waiting shade tuwing Sabado,
para maramdaman kita kahit sandali.
Sinisipon ako habang sinusulat ko ito,
hindi kasi kita makalimutan.

Minsan sa’yo nanggaling ang
pinakaayaw kong sakit,
pero kung ikaw ang sipon,
ayaw ko ng gumaling,

gusto ko lang magkasakit.

(Para kay Aiza)

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan