Mga Piraso Ng Damdamin at Alaala

1. Para Sa Mapagpalaya
    Mapalad ka nga at
    nakikita mo
    na gumuguho ang
    mundo,
    nangangarap ka
    para sa mga tao, at
    naghahanap ka ng
    pagbabago.
    Bihira at
    pambihira ang
    taong kagaya mo.

2. Blue-Eyes White Dragon

    Ang katahimikan
    ko ay masyado ng
    maingay.
    Natatakot ka at
    ayaw mo na marinig.
    Nanginginig ka sa
    mainit na lamig.
    Sukat lamunin ka
    ng sahig.



4. Culture shocker
    Nawasak mo
    ang aking kultura
    ng makasama kita.
    Naranasan ko
    ang mga pakiramdam
    na hindi napatunayang
    panaginip.
    Mga pakiramdam na
    hindi ko maipaliwanag
    at ng siyensiya.
    Nagustuhan ko
    ang bawat sandaling
    kasama kita,
    sa kabila ng dapat
    ay may kasama
    akong iba.
    Mga ala- alang
    hindi malilimutan,

    hangga’t naaalala natin.
    March 27, 2004



6. Umuulan na naman

    Subukan na
    nating umiyak
    sa ulan,
    maligo na tayo
    sa luha,
    dahil kanina ay

    nakita na naman
    kitang nag- iisa.
    Gusto ko ng
    malaman mo
    na malungkot ka.
    Katulad ko.


7. Malamig Na Ang Hangin
    Nakakalungkot
    kung bakit
    nagmamahal
    ang mga tao.
    Nakakatawa
    kung paano
    nila sakitan
    ang kanilang
    sarili.
    Nakakaawa
    sila.

    Binigyan kita
    ng bulaklak,
    dahil hindi ako
    nagbibigay
    ng bulaklak
    kapag patay na
    ang tao.


    Mahal kita.

8. Mainit na ang tubig
    Kapag lumulubog ang araw.
    Kapag humahalik ang alon sa buhangin.
    Kapag yumayakap ang hangin.
    Kapag nangangarap ang mga bituin.
    Kapag malamig na ang tubig na malamig,
    katulad ng ating mga pag- ibig.


9. Bakasyon
    Hindi ko naisip
    na ang bakasyon
    ay bakasyon lamang.
    
    Ngayon naisip ko na.
    
    Namamatay ang
    mga araw.
    Malungkot kapag
    hindi napaghandaan,

    pero kahit napaghandaan.
    Laging naiiwan ang
    mga alaala at
    hindi lamang alaala.
    Nakakalungkot

    kapag tapos na.

10. Ivory and Ebony
    Occurred on a nightmare, of unintended intentions;
    of how Wraith’s Moonsong sung of earthly and divine; and
    why Joni marry your best friend John.
    And you will never be mine.
    But, never will I let matter what matters really not.
    I’ll be the poet lost in rhymes.
    I’ll be the Peter Pan in your wonderlands.
    I’ll hold the days and push the time, while your gravity is pulling mine.

11. Pagtatabi
    Pagtatama ng mga daliri.
    Pagsusuyo ng mga palad.
    Pagnanais ng mga mata.
    Pagtutupi ng mga agwat.
    Pagtatalik ng mga balikat.

    Pagatatabi ng mga hininga.

12. Introspeksiyon
    Ayoko rin sa pag- iisip
    na ginawa ko.
    Bigla- bigla na lang akong
    kumakalas sa kaperpektuhan
    ng katahimikan ng hindi ko
    nalalaman.
    Parang nagdudulot tuloy

    ng perpektong kamalian.
    Iisipin ko na naman
    ang aking ginagawa.
    Napakahirap tanggapin,
    pero pwedeng ipaliwanag.
    Kaya lang nagagalit ako
    sa aking sarili.

    February 29, 2004

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan