Tulang Walang Pakialam

Maganda ang dagat,
masarap matulog.
May mga bagay na ‘di
kailangang iniisip,
pero ng natutunan kong
mahal pa nga kita,
nalaman  ko na lang na
napakalungkot ko na pala.

Malakas ang ulan,
mabuting maglakad.
Iniisip ko lang,
minsan kailangang
sakitan ang sarili.
Hindi naman ako umiiyak,
ang umiiyak lang

ay may problema.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan