Ayokong kita’y sakyan pa. Nakiangkas ako sa bumubulusok mong pagtakbo, Habang gumegewang-gewang ang mga pangarap ko. Ipinagyayabang mo sa’kin ang mga bago mong tayong pyesa, samantalang pinababayaan mong inaanay, kinakalawang, nabubulok ang iba. Itinuturo mo sa aking kabastusan ang magsalita at magsulat ng mga bagay na maselan, samantalang nakapaskil sa’yong harapan ang pinakamalaking suso sa bayan. Hindi ko lubos maisip kung paano mo pinaghihiwalay ang sining at kabastusan. Pinipilit mong makipagsabayan sa karera ng buong mundo, samantalang sinasagasaan mo ang mga Isko at Iska mong pasahero. At magtataas ka na naman bukas ng pasahe mo. Maglalakad na lang ako..
Noong unang panahon sa Hacienda Luisita sa plantasyon ng asukal ng mga Cojuanco may manggagawang bukid na ang ‘ngalan ay Sakada nagtatanim at nag-aani ng tubó. Si Sakada’y may asawa’t labing-isang anak tubo ng Bicol napadpad sa Tarlac payat, maitim na sunog ang balat sagana sa hirap sa sarap ay salat Ang tubó sa hasyenda ay napakatamis sapagkat dinidilig ang lupa ng pawis samantalang ang asukal ay napakaputi sapagkat may pag-asa ng ginhawang mithi Subalit si Sakadang istakholder ng azucarera at apatnapung taon nang nagsasaka sa hasyenda ay nanyn pipti lamang isang araw ang kinikita at hanggang ngayon wala pang lupang kanya Si Sakada sa trabaho’y Biglang nasibak Namatay sa gutom asawa’t dal’wang anak ‘Pinasa-diyos kapalarang sila’y nasadlak Sumunod na namatay ang tatlo pang anak Nagtipon ang mga manggag...
Noong unang panahon inutusan ni Kalikasan ang kanyang alagang higanteng loro na nagngangalang Marco upang hulihin ang mata ni Haring Araw. Mahiwaga at makapangyarihan ang mata ni Haring Araw sapagkat mayroon itong siyam na silahis na batong kulay dugo at kapag nakamulat ay nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Maagang lumipad si Marco sa lupa upang abangan ang pagsikat ni Haring Araw. Habang nasa himpapawid nakarinig si Marco ng isang napakagandang tinig. Malakas na ipinagaspas ni Marco ang kanyang malalapad na pakpak at mabilis na hinanap ang pinanggalingan nito. Lubos ang kanyang galak nang masumpungan ang isang dalagang malungkot na umaawit sa gitna ng batis. Ang dalaga ay nakababatang kapatid ni Mariang Makiling na nagngangalang Diwatang Leso. Labis na nahumaling si Marco sa tinig ng diwata at halos makalimutan nito ang kanyang layunin sa pagbaba sa lupa. Nang makabalik sa kanyang hinagap...
Comments
Post a Comment