Pinapatay kita ngayon

Kailangan ko ng hindi
perpektong kaibigan.
Hindi kailangang patuloy
kitang makitang ganyan. 

Hindi kailangang manakit
na naman.
Kailangan lang kitang
maramdaman.

Kakausapin pa sana kita
pero okay na ring hindi.
Walang makakaalam na
pinapatay kita ngayon.

Hindi na kita maisip.
Hindi na kita makikilala.
Magpapaturo pa naman
sana akong magmahal.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan