Umaalulong ang mga tao

Inangkin ng isang pinakamalalim na gabi
ang bagong biling peace on earth 
sa Marawi.
Umulan ng bala na dinaig pa ang mga
tala.
Pati mga bagay ay pinagkamalang tao.
Umaalulong ang mga tao.

Naghahalo ang dugo at luha.
Nag- aagaw ang kuliglig at diwa.
Nauupos ang mga kandila.
Tumatawa ang mga hayup.

Malamig ang gabi na lalong pinalamig ang
mga bangkay sa loob ng bahay.
May gumagalaw pa ang kamay na
tuluyan ding namatay.

Umaalulong parin ang mga tao.
Minumura ang mga hayop.
Isang na namang tao, patay.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan