Roselle Anne

Susubukin kong ipunin
nayong gabi ang
mga bituin
at baka sakaling
makalikha ako ng araw
upang paslangin
ang lamig mong angkin 
ang taglay mong dilim 
sapagkat ‘di na’ko
makapaghihintay pa ng
umaga 
at  muling makita kang 
nag-iisa.

Susubukin ko ring
pira-pirasuhin ang
buwan
at baka sakaling
makalikha ako ng ulan
upang pakawalan
ang aking nararamdaman
upang lunurin
ang iyong kalungkutan
sapagkat nais na kitang
samahan 
hanggang walang 
hanggan.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan