Tibi

Ngayon ang masa ay muling tatae
ng isa na namang lintik na Presidente,
Presidenteng taeng hindi naman malaki,
pero kung kumapit ay parang tibi.

Oo Gloria, para kang tibi,
taeng tibing maitim pa sa pusali,
na talaga namang anong tigas,
napakabaho na’y ‘di pa man lumalabas.

Isa pa Gloria, ‘wag kang magsasaya
dahil patuloy kang iiire ng masa,
kung ‘di pa sapat ay maglalabatiba,
at kung ‘di pa rin ay magpapa-opera.

Hinihitay na ang katawan mo sa kubeta
at sa poso negro ang iyong kaluluwa
kasama ang iyong mababahong kasama
doon kayo magpalasyo, doon ka mag-reyna.

Oo Gloria, puwit na ang masa,
mapunit na’t mahirapan,
magdugo na’t masaktan,
lumaya lang ang bayan,

maitae ka lamang.

(Ang “tibi” ay isang uri ng
tae na matigas, mahirap ilabas,
at nakakasugat sa puwit.)


July 14, 2004

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan