Psycho

<Jolan>
Ngayong kasama na kita,
kung gusto mong mag- isa,
ipikit mo ang iyong mga mata.
Maniwala ka sa buhay.
Kalimutan mong patay ka na.

<Sarah>
Habang kasama
pa kita
Gusto kita na
mag-isa.
Maniwala ka
sa buhay.
Kalimutan mo
na patay ka na.
Mahalin mo na
ang iyong sarili.
Hindi kailangan
na lumuluha
kapag umiiyak.

<Paulyanna>
Hindi mo alam kung
gaano kita kamahal.
Dahil kung alam mo
hindi ko masasabing
hindi mo alam.
Nakakainis dahil hindi
ko ipinapaalam sa iyo.
Maaring kung malaman mo
mahalin mo na ako,
pero may mga bagay na
hindi mangyayari.

<Majo>
Minsan hindi kailangan
na tumingin sa katotohanan,
dahil ang katotohanan
minsan ay kulang
para ipaliwanag
ang mga pangyayari.
May mga bagay na hindi
dapat maramdaman,
pero hindi rin naman totoo,
dahil napakasakit din
namang maging tao.

<Diana Jane>
Wala pa ang walang
nawawala,
tanghali pa rin,
at mamaya pa sisikat
si Diana.
Nagagalit
at umiiyak,
pero pagagandahin
pa rin ang gabi.

<Krish>
Mapanganib ang
hindi maging mapanganib.
Nakakatakot ang
maging takot.
Maingay ang
makipagtalik sa ingay.
Umuungol na ang
iyong katahimikan.
Hindi ka iiwanan ng lason
kung hindi mo iiwanan.

<Connie>

Huwag mong
sabihing hindi kita
maiintindihan.
Nasa dictionary
ang lahat ng iyong
nararamdaman.
Nais kong maging
lahat ng gusto mo,
sa lahat ng oras
minsan.

<Crow>

Subukan mo munang mamatay
mamaya, para mabawasan
ang mga nakakaawa.
Nahagip mo na yata ang
kanilang sistema,
narinig ka na yata nila, at
kasama mo na sila?
Subukan mo na ring pumatay
mamaya, dahil nakakatawa
na ang mga nakakaawa.

<Osel>
Umiikot ang mundo.
Tumatama na sa’yo.
Napakaganda mo para
magkatotoo.
Sumabog man ang mundo.
‘Di naman sasabog 
ang mundo.
Sabihin na lang nating
bagay ako sa’yo.
Tumigil na ang mundo.

Tumama na sa’yo.
Hindi na’ko papayag na
hindi ka totoo.
Pwedeng sumabog
ang mundo,
naniniwala na ako.
Sabi ko na sa’yo,
bagay talaga tayo.

<Untitled>
‘Di na kukurap,
baka dumaan ka.
Magdi- dyip ako,
baka sumakay ka.
‘Di pa mananaginip,
dahil ‘di ka pa kilala.
Maglalakad pa’ko,
baka masalubong kita.

<Untitled>
Pumasok ka 
sa cellphone ko
at di na lumabas.
Paano isesend sa'yo
ang pag-ibig na 
wagas? 

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan