Manunulat

Sa lipunang puno
ng dungis at kabulukan,
patuloy kang namamahay.
pinipilit mong makisabay
sa alon, kahit sumasalungat

ang iyong isipan.
Natatakot kang gumawa
ng hakbang.
Huwag mong hayaang
matabunan ang tama

ng mga kamalian at
mabulok kasabay ng
mga hindi nararapat.
Hukayin mo ang pag- iisip
na iyong ibinaon.

Hayaan mong umalingsaw
ang bahong nakatago.
Mahirap matulog habang
pilit na ginigising ng
nagpupumiglas at

naghuhumiyaw na
katotohanan.
Huwag ka ng matulog,
dahil kailangan tayo

laban sa kanila.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Alamat ng Asukal na Pula