Inilipat na ang impyerno

Inilipat na ang impiyerno
                at lahat ng nandito.
Wala na sa ilalim ng lupa
                ang mga demonyo.
Nagsawa na sa init
                air-con na ang uso.
Ayaw na sa mga kaluluwang
                walang presyo.
Sa pera na sila ngayon
                interesado.
Ganito mas madaling
                pahirapan ang tao.

Inilipat na ang impiyerno
                at lahat ng nandito.
Kanya-kanya ng puwesto
                sa gobyerno.
Naghahalo na ang mga
                demonyo at tao.
Hindi na malaman kung
                       sino ang sino.
Naghihirap na ang mga
                            Pilipino.
Nagsasaya ang mga

                           demonyo.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan