Nang Maputulan Ng Isang Finger si Juan

Walang’ya naman Bathala.

Tirahin mo na’ko ng ‘yong state of the art na kidlat,
paulanan mo na’ko ng mga pana at mga sibat,
at ‘wag mo na’kong pa-inhalelin ng oxygen
 o palagyan mo na ng lason ang aking bloodstream
dahil nagkasala ako sa’yo ng ‘di ko mabilang na blasphemy
saka binastos ko ang iyong ina ng paulit-ulit na curse
matapos kang magpadala ng hi-tech na plague.

Prenteng-prente ako sa LRT (Light Rail Transit),
bigla-bigla kang mamumutol ng hinlalaki
samantalang sa isang araw pa ang Happy New Year.
Kunwari ka pang love mo ako.
Ang baho ng trip mo.

Jackpot sa lotto ang hiniling ko
hindi ang may sumabog na bomba dito
saka hindi ko hiniling na pulbusin mo ang mga tao.
Sinong sisisihin ko, mga terorista sa programang terorismo ng mundo,
samantalang mas close tayo nina Bin Laden, Bush, at Arroyo.

‘Pag naaalala ko, nagtira pa talaga,
nagtira ka pa, nine na lang tuloy ang fingers ko,
nine na lang ‘di pa nilahat, pati ang aking life
wala na rin naman ang aking baby pati ang aking wife.

Fuckin’ life.

Comments

Popular posts from this blog

CabSU Nueve

Ang Alamat ng Pico de Loro

Tagu-taguan Maliwanag ang Buwan